Saturday, March 4, 2017

Bakit nga ba marami sa atin ang natatakot na mag start ng isang "stable" na negosyo ?

Gusto mo ba malaman ang dahilan?

Kung Oo ang sagot mo , para sa iyo ang Blog na ito ...

Base on my research , ito po ang ilan sa mga dahilan , na kung bakit marami sa atin ang takot magsimulang mag negosyo.

1. It takes to much money.
Maraming takot mag simulang magnegosyo dahil ang alam ng karamihan sa atin , ay maglalabas sila ng malaking halaga or puhunan. Marami ang nagsasabi na kapag malaki ang puhunan , malaki din daw ang balik .


2. It takes to much risk.

Isa sa dahilan ng pagtatayo ng isang negosyo ay pagkakaroon ng "risk" ..

Yes natural po ito , Kumbaga parang examination test sa skul , di ba kapag exam , nag aaral ka ng Mabuti para makapasa ka sa test , pero minsan , yun pinag aralan mo , hindi pala yun ang exam ..

Ano ang pakiramdam ? Di ba kakabahan ka..

Ganun din ang ang negosyo,
Kapag nag start , kakabahan ka talaga , dahil hindi mo Alam , kung magiging mabenta ba ito or hindi ..

Kaya ang iba , tinatamad na mag start ng negosyo dahil ang Alam nila na mas secured sila sa pag tatrabaho , kaysa sa pag nenegosyo.

3. It takes to much time.
Ang Alam ng karamihan Kelangan ng maraming time para mag negosyo , kaya ang iba sa mga kababayan nating mga empleyado at OFW , eh hinihintay nila ang kanilang retirement , para mas mapokusan at mabigyan ng oras ang kanilang itatayong negosyo.

4. It takes to much effort.
Dahil sa sobrang busy ang karamihan sa atin sa pagtatrabaho or kung ano man ang pinagkaka abalahan, karamihan sa atin ay Wala ng oras para gawin ang business .

5. They do not know how to manage.
Yes ito ang pinaka mahalaga sa lahat .
Marami ang nalulugi sa pag nenegosyo dahil sa kakulangan ng kaalaman or knowledge , kung pano patakbuhin ang isang negosyo para ito , ay umunlad o umasenso.

Maraming negosyo ang nagsasara dahil hindi sila Marunong mag manage or mag operate .

Tandaan , kung gusto mo lumaki ang level ng negosyo or ng income mo, Kelangan palakihin mo rin ang level ng Knowledge mo..

Ito po ang ilan sa dahilan na kung bakit marami sa atin ang takot mag tayo ng negosyo ...

Now , ang tanong ..

Gusto mo ba malaman kung anong negosyo ngayon , ang hindi ka maglalabas ng malaking puhunan , hindi rin gaano risky, hindi ka rin mag bibigay ng malaking time at effort , and hindi mo rin Kelangan pang magbayad ng tutor or pung suy para sa dagdag knowledge, upang lumago ang negosyo mo ?

Kung Oo ang sagot mo .. 

Panoorin mo itong video na ito para malaman mo kung paano.
WATCH & FINISH THE VIDEO TO FIND OUT. click HERE!

Kung Nagustuhan mo ADD or PM mo Ako Para Mai guide at Matulongan kita kung PAPAANO Umpisahan Ito.

Whatsapp: +971562032275

Sa Negosyo: Kaalaman ang mas mahalaga, hindi pera para magtagumpay ka

Medyo awkward pakingan na hindi pangunahing mahalaga ang pera sa isang matagumpay na negosyo, totoo na kailangan ng pera sa pamumuhunan pero hindi ito ang dapat na pagtuunan ng pansin ng isang taong nagnanais magsimula ng business.“Kaalaman” ang mas importante kesa sa salapi, madaling magtayo ng negosyo kapag maraming pera pero madali din itong babagsak kapag kakapusin ka sa maayos na pagplaplano at tamang mga desisyon sa pagpapatakbo ng buisness. Kung inyong bibigyan ng pagkakataon ang inyong sarili na magsalik-sik upang alamin ang mga matatagumpay na negosyo, produkto at invention ngayon ay mapapansin ninyong halos lahat sila ay nagsimula sa maliit na puhunan ngunit dahil sa kanilang kaalaman ang naturang maliit ay unti-unting lumaki.
Isang magandang halimbawa: Si Don Pedro at Mang Emilio

Don Pedro

Si Don Pedro ay isang mayamang tao, gusto niyang magkaroon ng extra income at patok sa kanyang panahon ang Internet Café kayat nung kanyang natuklasan na ito click na itayong negosyo ay kanyang madaling itinayo ang ganitong uri ng business. Kumuha si Don Pedro ng isang taong nakakaalam sa kompyuter para ito ang mag-assemble sa mga bibilin niyang pyesa ng PC at para narin siya ang mag-setup ng networking, kumuha si Don Pedro ng isang pwesto na mapapagtayuan ng kanyang internet café na malapit sa eskwelahan. Sa madaliang kwento nakapagbuo si Don Pedro ng 20 units with networking pero ang negosyong ito ay madali din nagsara at ang biniling pwesto ay pinarentahan nalang niya kinalaunan. Ang dahilan ay natuklasan ni Don Pedro na tinubuan siya ng malaki nung taong bumuo ng kompyuter niya imbis na 20 thousand pesos ang singil kada kompyuter ay ginawang 25 thousand and take note ang mga pyesa ay hindi naman ganung kataas ang uri, sunod dito ay natuklasan din niyang maraming mga nagrerenta ang nag-wawan two three, wala siyang nailagay na software monitoring device para mamonitor ang mga nagrerenta at mabigyan din ng angkop na singil, hindi ito alam ng kanyang mandarayang teknisyan dahil mostly knowledgable lang ito sa Hardware kaya napagdesisyunan ni Don Pedro na isara nalang ang business at paupahan sa iba, kesa sa kumain ng kumain ng puhunan na wala namang puma-pasok sa kanilang pera.

Aral

Si Don Pedro ay isang taong pinapangarap ng mga taong maging, maging isang “Don” ibig sabihin maraming pera at mayaman sa buhay. Si Don Pedro ay katulad din natin na gustong mapalago ang salaping naiipon kaya lang ang problema sa kanya eh pinasok ang isang bagay na wala naman siyang gaanong nalalaman, marahil siguro may paniniwala siyang“ang importante eh may pera ka at alam mong malakas kumita ang negosyo”

Totoo naman ito kaso ang hindi nasasaisip ng iba ay yung bahagi ng kaisipan na ito na “alam mong malakas kumita ang negosyo” ang ibig sabihin nung alam ay hindi lang yung pagkita ng pera kundi alam mo na ito ay maraming nangangailangan.  Wala gaanong kaalaman si Don Pedro sa kompyuter dahil pinagawa nalang niya ito sa ibang tao, kaya no wonder na hindi rin siya gaanong aware kung anu-anong bagay ang maaring maidulot ng kompyuter maaring ang alam lang niya sa kopyuter  ay puro games hindi niya alam ang internet, printing at iba pang mga pwedeng bagay na magagawa na konektado sa kompyuter. Nung sinibak na niya yung nagbuo ng kompyuter sa kanya dahil sa pangungurakot ay nagsimula narin ang kanyang stuggle dahil wala nga gaanong kaalaman eh hindi rin niya gaano alam kung paano ang mga pasikot-sikot nito. Maganda ang ginawang hakbang ni Don Pedro na isarado nalamang ang rentahan at ipa-upa nalang sa iba dahil kung hindi ito ay magdudulot lang sa kanya ng kalugihan (sayang naman.)

Mang Emilio

Si Mang Emilio ay isang X-abroad, isa siyang electrical technician sa dati niyang pinapasukan sa Saudi Arabia, dahil sa humina ang dollar eh minarapat niyang sa pinas nalang mamalagi, total eh napagtapos nanaman niya ang kanyang mga anak sa kolehiyo at nagsisipaghanap buhay na lahat. Noong si Mang Emilio eh nasa Saudi eh madalas siyang umaatend sa mga crash course seminar tungkol sa computer dahil siguro nagnanais din na huwag mapagiwanan ng panahon kaya nag-aaral, nung una ang layunin lang ni mang Emilio ay matuto sa kompyuter pero nung kinalaunan napag isipan niyang gawing sideline ito sa Saudi at hanggang sa umuwi na siya sa Pilipinas ay pinagpatuloy na niya rin itong gawing sideline. Nung una maraming mga taong nagpapatingin lang ng PC mga minor trouble shooting lang pero kinaalaunan eh dumami na ang kontak niya hangang sa mga may-ari na ng internet café ang sineserbisyuhan niya at mula dun paunti-unti narin siyang natuto sa networking, maraming mga naghihikayat kay Mang Emilio na magtayo na rin ng Internet Shop pero nung una ay ayaw pa ni Mang Emilio, nagpalipas ng mga ilang panahon ang matanda upang magmasid sa negosyong ito ng napakiramdaman na niyang pupwede na ang kanyang kaalaman eh nagsimula siya ng tatlong PC sa bahay niya at mula doon siya ay paunti-unting natuto at napalago ang negosyo. Ang pinagkunan niya ng puhunan ay mula sa mga kaibigan niyang nag-enganyong magtayo ng PC rental at ang ginamit niyang mga computer ay mga segunda mano mula rin sa mga kaibigan. Dahil sa alam na ni Mang Emilio mga pasikot-sikot sa rentahan eh alam na niya kung papaano haharapin ang mga taong nag-wawan two three at napapagplanuhan na niyang maigi kung anung mga games at mga iba pang sideline ang idadag-dag niya sa kanyang Internet Cafe, naglagay rin siya ng printer, pa-burn ng CD at mini photo studio ngayon ay may tatlo ng Internet Café si Mang Emilio at ang mga kinikita niya ay ipinangsosoporta sa kanyang rentahan at ang iba namang salapi ay ginagamit niya sa pag aaral sa mga crash course upang maging aware sa mga bagong teknolohiya na maaari niyang gamitin sa kanyang negosyo.

Aral:

Si Mang Emilio ay hindi katulad ni Don Pedro, katulad ng nakakarami si Mang Emilio na isang pangkaraniwang mamamayan pagdating sa pinansyal na estado pero si Mang Emilio ay may kaalaman na kanyang napalago habang ibinabahagi sa iba ang kanyang nalalaman, hangang dumating sa puntong siya na ang hinihikayat ng kanyang mga sineserbisyuhan na magtayo ng negosyo. Siguro napansin ninyo sa istorya ni Mang Emilio na halos wala siyang nagastos sa Buisnes niyang itinayo dahil ang mga ginamit niyang salapi eh galing sa pahiram ng mga kaibigan pati ang kompyuter ay mga lumang bigay lamang. Ang kaalaman na may kasamang talento ay nakaka-attract ng isang oppurtunidad kapag itoy ibinahagi mo sa iyong kapwa.

Impossible paniwalaan ang ganitong isipin, imposible din isiping magsisimula ka ng negosyong walang puhunan pero sa totoo lang ganun talaga dapat, hindi lang pera ang business maraming aspeto iyan, kung pera lang ang labanan eh marami na sanang mga tumama sa lotto na patuloy na yumaman, lahat sana ng nagkaroon ng pagkakataong makakuha ng malaking salapi eh yumaman narin, pero ang totoo niyan ay hindi lang talaga sa pera lahat, napa-importante ng “kaalaman” hindi lang sa negosyo kundi sa lahat ng bahagi ng buhay.
Paano kung meron akong ipapakitang negosyo sayo na kahit nsa bahay ka lng pwede ka nang kumita ng pera? or kahit busy ka sa trabaho mo pero gusto mo mag ka roon ng extra income? idadag mo lang ito sa mga ginagawa mo. Panoorin mo itong video na ito para malaman mo kung paano.
WATCH & FINISH THE VIDEO TO FIND OUT. click HERE!
Kung Nagustuhan mo ADD or PM mo Ako Para Mai guide at Matulongan kita kung PAPAANO Umpisahan Ito.
Whatsapp: +971562032275

You Can Visit Like my FB Page

Share this article to your friends and INSPIRE others!!!

Alin nga ba, Negosyo o Empleyado?

Ngayon na natanggap mo na ang iyong diploma, dapat mo na bang simulan ang paghahanap ng trabaho? Sumagi ba sa isipan mo na marahil ay hindi ka dapat makisabay sa buong mundo sa paghahanap ng mga paraan upang matanggap ka bilang empleyado kundi ay dapat magsimula ng iyong sariling negosyo?

Kapag negosyo ang pag uusapan, karamihan sa mga tao ay napangungunahan ng takot sa pag isip palang ng pagsisimula nito. Bakit kaya? Sa ilang taon mong pag-aaral sa kolehiyo, hinanda ka ng iyong unibersidad sa inaakalang mong pinakamalaking hamon ng iyong buhay, ang pagtatrabaho. Binigyan ng impresyon ang mga mag-aaral na dapat tayong matanggap sa mga malalaking kumpanya para masimulan ang pag-abot sa ating mga pangarap.
Maaring ito ay totoo parin sa ilan, ngunit sa mga pagbabagong nangyayari sa iba’t-ibang industriya ngayon, ito ay nagiging isang malaking hamon para sa karamihan. Kung kakausap ka ng isang empleyado, marinig mo ang pagrereklamo nito tungkol sa “stress” o pagod, sa hindi sapat suweldo, at pagkasawa. May ibang tinitiis na lang  ang mga ito alang alang sa seguridad na makukuha nila kapag nagretiro. Kapag sila ay retirado na, alam nating lahat kung ano malamang ang susunod na mangyayari. Ipupuhunan nila ang kanilang retirement pay sa isang negosyo.
Kung ganun lang din lamang, bakit pa kailangang hintayin na magretiro ka bago magsimula ng negosyo? Malaking ang tiyansang hindi magiging matagumpay ang pagtatayo ng negosyo lalo na kung ito ang unang pagkakataong sinubukan ito. Habang bata pa, mas mainam na simulan na ang pagnenegosyo. Ito ang mga dahilan kung bakit:

Personal na kasiyahan

Sa negosyo, ikaw ang pipili ng buhay na gusto mong tahakin . Hanapin mo ang  iyong hilig at pagsikapan na ito ang maging hanapbuhay mo. Kapag gusto at mahal mo kung ano ang ginagawa mo, hindi mo na kailangang magtrabaho ni isang araw nang iyong buhay. 
Mahilig ka bang mag “bake”? Simulan ang cupcake business. Mahilig ka ba maglaro nang online games? Maari magtayo ka ng computer shop. 
Hilig mo bang magturo? Simulan ang tutorial na serbisyo online. 
Basta hilig mo at mahal mo ang ginagawa mo, hindi ka madaling susuko sa mga pagsubok. Kapag lagi kang masaya at may pagmamahal sa ginagawa mo, madaling makukuha ang tagumpay.

Kasiyahang Pananalapi

Lagi kang makakarinig ng mga empleyadong nagrereklamo sa sobrang trabahong iniaatas s kanila. Nagrereklamo sila dahil kahit gaano karami o kaunti ang gawain nila at pareho lang ang sinasahod nila sa sa bawat buwan. Hindi ito tataas maliban nalang kung  bigyan sila ng “increase” ng kompanya.
Sa negosyo, ang bawat pagsisikap mo ay tatapatan ng karampatang halaga.  Dito papasok ang kasabihang “kung ano ang itinanim ay siyang aanihin”. Walang limitasyon ang salaping maaari mong kitain basta masipag ka at maabilidad.

Kalayaan

Sino ang may ayaw na sarili mo ang iyong oras? Pinangarap mo rin bang magbakasyon kung kailan mo gusto? Paano naman ang maglagi sa gym para magkaroon ng “healthy lifestyle”? Kapag hawak mo ang oras mo, maaaring makalayo sa stress at magkaroon ng panahon para sa iba pang mga bagay na nais mong gawin. Hindi lamang maibibigay ng pagnenegosyo ang  kalayaan sa iyong oras kungdi pati ang kalayaan upang gumawa ng mga pagbabago.
Kung nais mong baguhin ang isang produkto o serbisyo, kung gusto mong baguhin ang isang patakaran sa iyong negosyo ay kayang kaya mo! Huwag kailanman kalimutan na sa isang negosyo, ikaw ang boss.
Ang pagtatayo nang negosyo ay hindi nakasanayan ng marami. Sa tuwing magsisimula ka ng isang negosyo, ipapagsapalaran mo ang iyong pera, ang iyong pangalan, at ang iyong mga pangarap. Kung mabigo ka man, isipin mo nalang na ito kasama ng pasisimula. Ito ang lamang ng mga magsisimula ng maaga sa industriyang ito. Makailang beses ka mang magkamali, ang lahat ng iyon ay magiging aral para ikaw ay mahasa. Kapag nagawa mo naman ito ng tama, tiyak na maganda ang magiging kapalit nito dahil mas pinili mong maging kakaiba.

Narito ang ilang sa mahahalagang bagay na dapat tandaan sa pagsisimula nang negosyo.

• Mag-isip at simulan ang isang negosyo na MAY ALAM ka.
• Maaari magsimula bilang isang solo proprietor o may kasosyong mga taong pinagkakatiwalaan mo na katulad mo rin ng hangarin.
• Maghanap ng MENTOR o tagapagturo na gagabay sa iyo sa napili mong negosyo.
• Tutukang mabuti ang negosyo. Maging hands-on. Huwag asahan ang iyong negosyo na lumago kung hindi mo naman ito binabantayan. Tandaan na ito ang iyong unang negosyo. Lahat ay napakahalaga at dapat na matutunan.
• Magkaroon ng maraming pasensya. Ang Google ay inabot ng 6 na taon bago magsimula ang kanilang tagumpay. Hindi naman kailangang abutin ng ganoong katagal bago kumita ang iyong negosyo. Ang kinakailangan ay magtiwala ka sa sarili mong kakayahan at huwag basta basta susuko.
• Tandaan ang mga tamang ginagawa mo sa negosyo. Alamin mo lang kung ano ang tama mong ginagawa at ipagpatuloy ang mga iyon. Hindi lalaon at makukuha mo rin ang tamang formula sa tagumpay.
 Ang pagsubok sa pagnenegosyo ay isang desisyon. Kung hindi mo nakikita ang sarili mo na isang empleyeado, isang negosyong hilig mo ang maaring makapagbigay sayo  ng buhay na pinapangarap mo. Ngunit tulad din sa trabaho, kailangan mo itong bigyan ng higit na  pagsisikap at panahon. Walang sinuman ang nagiging mahusay at matagumay ng magdamag. Ang pinaka mahalaga ay magdesisyon ka sa landas na gusto mong takahin at magsimula kaagad!
Paano kung meron akong ipapakitang negosyo sayo na kahit nsa bahay ka lng pwede ka nang kumita ng pera? or kahit busy ka sa trabaho mo pero gusto mo mag ka roon ng extra income? idadag mo lang ito sa mga ginagawa mo. Panoorin mo itong video na ito para malaman mo kung paano.
WATCH & FINISH THE VIDEO TO FIND OUT. click HERE!

Kung Nagustuhan mo ADD or PM mo Ako Para Mai guide at Matulongan kita kung PAPAANO Umpisahan Ito.

Whatsapp: +971562032275

Share this article to your friends and INSPIRE others!!!





Wednesday, March 1, 2017

I HATE NETWORK MARKETING

I HATE NETWORK MARKETING




Nakakainis ang network marketing, ang daming pinapagawa. Ang daming binabasa
Ang dami mong kakausapin madalas ayaw pa. Ayoko na nito, hindi ito para sa akin.

Isa ka ba sa mga taong ganyan? Friend aaminin ko ganyan ako dati. Puro reklamo at dinadaan sa frustrations at sinisisi lahat sa negosyo or trabaho. Attracting more negativity sa buhay ko. Sa totoo lang kahit buong buhay ako magreklamo, wala naman din akong mapapala diba? 

Tanungin kita may naging successful na ba na reklamador? 

Successful people shifts negative aspects to a positive one.

To become successful sa isang business or sa kahit ano mang bagay. You just have to think and act like a successful person. Kung gusto mo maging mayaman. Think and Act like one. Kung gusto mo maging magaling sa sports, think and act like one. Ganun lang naman dapat. Ang problema lang madalas sa atin, inuuna pa natin ang reklamo, bago pa natin gawin ang isang bagay. Hindi man lang natin tignan ang sarili natin kung sa atin ba ang may kailangan baguhin. 

Ganito mag isip ang isang positive succesful person kumpara sa isang reklamador.

Let's say for example sa network marketing. Parehong naginvest si Mr. Reklamador at si Mr. Postibo. Then their mentor or upline, dahil sa gusto din silang matulungan at kumita told them to talk to 20 persons na sa tingin nila open sa opportunity or sa network marketing business.

After 20 persons wala man lang naging interested or naging open sa opportunity nila.


Mr. Reklamador: Up ayoko na nito, sa tingin ko hindi para sakin to sa 20 ko na close friends ko pa ha! Wala man lang nakipagusap or open. Hindi ako kikita dito. Walang sasali dito IM SURE!!


Mr. Positibo: Up walang naging intresado sa opportunity ko. Ano ba ang puwede kong gawin para makausap ko ng tama or may maginvest sa opportunity ko?


Makikita mo naman ang difference nila diba? 






Suggestion ko lang. Look for solutions to solve your problems.

Minsan kailangan mo lang maging honest sarili mo, be humble and take action on things na kailanganin mong baguhin, para maging successful ka sa isang aspeto. Kahit saan pa yan. This all applies to people na naghahanap ng solution sa labas nila, pero hindi kayang aminin at gawan ng pagbabago sa sarili nila.

If you take action and lessen your pride. Believe me makakamit mo lahat ng pangarap mo in no time.

Sana may natutunan kayo sa shinare ko ngayon. 


Kung nasa network marketing business ka din tulad ko. At nahihirapan kang makakuha ng downlines mo. 


Pls Like and Learn More Here>>https://www.facebook.com/mlmtipsandstrategiesforyouronlinebusiness/?ref=bookmarks