Kapag negosyo ang pag uusapan, karamihan sa mga tao ay napangungunahan ng takot sa pag isip palang ng pagsisimula nito. Bakit kaya? Sa ilang taon mong pag-aaral sa kolehiyo, hinanda ka ng iyong unibersidad sa inaakalang mong pinakamalaking hamon ng iyong buhay, ang pagtatrabaho. Binigyan ng impresyon ang mga mag-aaral na dapat tayong matanggap sa mga malalaking kumpanya para masimulan ang pag-abot sa ating mga pangarap.
Maaring ito ay totoo parin sa ilan, ngunit sa mga pagbabagong nangyayari sa iba’t-ibang industriya ngayon, ito ay nagiging isang malaking hamon para sa karamihan. Kung kakausap ka ng isang empleyado, marinig mo ang pagrereklamo nito tungkol sa “stress” o pagod, sa hindi sapat suweldo, at pagkasawa. May ibang tinitiis na lang ang mga ito alang alang sa seguridad na makukuha nila kapag nagretiro. Kapag sila ay retirado na, alam nating lahat kung ano malamang ang susunod na mangyayari. Ipupuhunan nila ang kanilang retirement pay sa isang negosyo.
Kung ganun lang din lamang, bakit pa kailangang hintayin na magretiro ka bago magsimula ng negosyo? Malaking ang tiyansang hindi magiging matagumpay ang pagtatayo ng negosyo lalo na kung ito ang unang pagkakataong sinubukan ito. Habang bata pa, mas mainam na simulan na ang pagnenegosyo. Ito ang mga dahilan kung bakit:
Personal na kasiyahan
Sa negosyo, ikaw ang pipili ng buhay na gusto mong tahakin . Hanapin mo ang iyong hilig at pagsikapan na ito ang maging hanapbuhay mo. Kapag gusto at mahal mo kung ano ang ginagawa mo, hindi mo na kailangang magtrabaho ni isang araw nang iyong buhay.
Mahilig ka bang mag “bake”? Simulan ang cupcake business. Mahilig ka ba maglaro nang online games? Maari magtayo ka ng computer shop.
Hilig mo bang magturo? Simulan ang tutorial na serbisyo online.
Basta hilig mo at mahal mo ang ginagawa mo, hindi ka madaling susuko sa mga pagsubok. Kapag lagi kang masaya at may pagmamahal sa ginagawa mo, madaling makukuha ang tagumpay.
Kasiyahang Pananalapi
Lagi kang makakarinig ng mga empleyadong nagrereklamo sa sobrang trabahong iniaatas s kanila. Nagrereklamo sila dahil kahit gaano karami o kaunti ang gawain nila at pareho lang ang sinasahod nila sa sa bawat buwan. Hindi ito tataas maliban nalang kung bigyan sila ng “increase” ng kompanya.
Sa negosyo, ang bawat pagsisikap mo ay tatapatan ng karampatang halaga. Dito papasok ang kasabihang “kung ano ang itinanim ay siyang aanihin”. Walang limitasyon ang salaping maaari mong kitain basta masipag ka at maabilidad.
Kalayaan
Sino ang may ayaw na sarili mo ang iyong oras? Pinangarap mo rin bang magbakasyon kung kailan mo gusto? Paano naman ang maglagi sa gym para magkaroon ng “healthy lifestyle”? Kapag hawak mo ang oras mo, maaaring makalayo sa stress at magkaroon ng panahon para sa iba pang mga bagay na nais mong gawin. Hindi lamang maibibigay ng pagnenegosyo ang kalayaan sa iyong oras kungdi pati ang kalayaan upang gumawa ng mga pagbabago.
Kung nais mong baguhin ang isang produkto o serbisyo, kung gusto mong baguhin ang isang patakaran sa iyong negosyo ay kayang kaya mo! Huwag kailanman kalimutan na sa isang negosyo, ikaw ang boss.
Ang pagtatayo nang negosyo ay hindi nakasanayan ng marami. Sa tuwing magsisimula ka ng isang negosyo, ipapagsapalaran mo ang iyong pera, ang iyong pangalan, at ang iyong mga pangarap. Kung mabigo ka man, isipin mo nalang na ito kasama ng pasisimula. Ito ang lamang ng mga magsisimula ng maaga sa industriyang ito. Makailang beses ka mang magkamali, ang lahat ng iyon ay magiging aral para ikaw ay mahasa. Kapag nagawa mo naman ito ng tama, tiyak na maganda ang magiging kapalit nito dahil mas pinili mong maging kakaiba.
Narito ang ilang sa mahahalagang bagay na dapat tandaan sa pagsisimula nang negosyo.
• Mag-isip at simulan ang isang negosyo na MAY ALAM ka.
• Maaari magsimula bilang isang solo proprietor o may kasosyong mga taong pinagkakatiwalaan mo na katulad mo rin ng hangarin.
• Maghanap ng MENTOR o tagapagturo na gagabay sa iyo sa napili mong negosyo.
• Tutukang mabuti ang negosyo. Maging hands-on. Huwag asahan ang iyong negosyo na lumago kung hindi mo naman ito binabantayan. Tandaan na ito ang iyong unang negosyo. Lahat ay napakahalaga at dapat na matutunan.
• Magkaroon ng maraming pasensya. Ang Google ay inabot ng 6 na taon bago magsimula ang kanilang tagumpay. Hindi naman kailangang abutin ng ganoong katagal bago kumita ang iyong negosyo. Ang kinakailangan ay magtiwala ka sa sarili mong kakayahan at huwag basta basta susuko.
• Tandaan ang mga tamang ginagawa mo sa negosyo. Alamin mo lang kung ano ang tama mong ginagawa at ipagpatuloy ang mga iyon. Hindi lalaon at makukuha mo rin ang tamang formula sa tagumpay.
• Maaari magsimula bilang isang solo proprietor o may kasosyong mga taong pinagkakatiwalaan mo na katulad mo rin ng hangarin.
• Maghanap ng MENTOR o tagapagturo na gagabay sa iyo sa napili mong negosyo.
• Tutukang mabuti ang negosyo. Maging hands-on. Huwag asahan ang iyong negosyo na lumago kung hindi mo naman ito binabantayan. Tandaan na ito ang iyong unang negosyo. Lahat ay napakahalaga at dapat na matutunan.
• Magkaroon ng maraming pasensya. Ang Google ay inabot ng 6 na taon bago magsimula ang kanilang tagumpay. Hindi naman kailangang abutin ng ganoong katagal bago kumita ang iyong negosyo. Ang kinakailangan ay magtiwala ka sa sarili mong kakayahan at huwag basta basta susuko.
• Tandaan ang mga tamang ginagawa mo sa negosyo. Alamin mo lang kung ano ang tama mong ginagawa at ipagpatuloy ang mga iyon. Hindi lalaon at makukuha mo rin ang tamang formula sa tagumpay.
Ang pagsubok sa pagnenegosyo ay isang desisyon. Kung hindi mo nakikita ang sarili mo na isang empleyeado, isang negosyong hilig mo ang maaring makapagbigay sayo ng buhay na pinapangarap mo. Ngunit tulad din sa trabaho, kailangan mo itong bigyan ng higit na pagsisikap at panahon. Walang sinuman ang nagiging mahusay at matagumay ng magdamag. Ang pinaka mahalaga ay magdesisyon ka sa landas na gusto mong takahin at magsimula kaagad!
Paano kung meron akong ipapakitang negosyo sayo na kahit nsa bahay ka lng pwede ka nang kumita ng pera? or kahit busy ka sa trabaho mo pero gusto mo mag ka roon ng extra income? idadag mo lang ito sa mga ginagawa mo. Panoorin mo itong video na ito para malaman mo kung paano.
Kung Nagustuhan mo ADD or PM mo Ako Para Mai guide at Matulongan kita kung PAPAANO Umpisahan Ito.
My FB: Antonio Mostales Nabuya Jr.
Whatsapp: +971562032275
Share this article to your friends and INSPIRE others!!!
No comments:
Post a Comment