Sunday, July 16, 2017

Handling Prospect Objections (SCRIPTS.)



Objection #1: Magkano Na Ba Ang Kinikita / Kinita Mo Dyan? 

Objection #2: Sasali Ako Pag Kumita Ka Na. 

Objection #3: Pag-iisipan Ko Muna.. 

Objection #4: Yayaman Ba Ko Dyan? / Magkano Ba Kikitain Ko Dyan? 

Objection #5: Pyramiding Ba To? / Scam Ba To? 

Objection #6: Networking Ba To? 

Objection #7: Sigurado Bang Kikita Ako Dyan? 

Objection #8: Paano Kung Wala Akong Ma-recruit / Ma-invite / Mapasali? 

Objection #9: Paano Ang Kitaan? / Paano Ba Ang Marketing Plan (Pay Plan) Nyo? 

Objection #10: Ang Mahal Ng Pay-In / Ex. 3,000

Objection #11: Wala Akong Pera. 

Objection #12: Wala Pa Akong Pera. 

Objection #13: Pautangin Mo Muna Ako Babayaran Ko Nalang Pag Kumita Na Ako. 

Objection #14: Wala Akong Time. 

Objection #15: Alam Ko Na Yan. 

Objection #16: Sabi Ng Kaibigan / Kakilala Ko Hindi Daw Totoo Yung Ganyan. 

Objection #17: Sasabihin / Ipapaalam Ko Muna Sa Asawa Ko. 

Objection #18: Hindi Ko Linya Yan. 

Objection #19: Nasubukan Ko Na Yan Dati. 

Objection #20: Hindi Ako Interesado. 

➜ 4 STEPS BEFORE HANDLING OBJECTIONS

1. Qualify and Build Rapport

2. Identify Their Reason Why (Lalo na ito)

3. Identify the Objection if It's Real or Palusot

4. Handle the Objection


➜ THE 8 RULES OF ANSWERING PROSPECT OBJECTIONS

1. Never Argue- wag magsayang ng oras sa mga unqualified prospects.

2. Never Convince- kung mataas ang belief level mo at kung naniniwala ka na talagang makakatulong sa prospect mo ang product at opportunity mo, hindi mo na kailangan mag CONVINCE or mag HARD SELL sa kanila.

3. Never Assume Negativity- hindi porket may mga objection ang isang prospect, ibig sabihin ay negative na sya.

4. Always Be The One Asking- use questions para ma control mo ang conversation

5. Always Listen Carefully- Eto ang pinaka importante sa lahat para ma DIG mo yung reason nya at ma close nya ang sarili nya sa Business mo.

6. Always Tell Your Prospect What To Do Next- lagi mo silang gabayan sa kung ano-ano yung mga susunod na gagawin nila.

7. Never Disagree- Kung hindi ka sang-ayon sa sinabi ng prospect mo, pwede mong gamitin tong mga linya na to bago mo sabihin ang opinyon mo.

"Naiintindihan kita pero...

""Alam ko yang nararamdamannmo pero...

""May point ka dyan sa sinabi mo pero..."

Etc...

8. Always Know Their Reason WHY Before Answering Any Objections- wag na wag kang sasagot ng objections hanggat hindi mo pa nalalaman ang reason WHY ng prospect mo. Kung simula pa lang ay nagbato kaagad sya ng objection, pwede mong kontrolin ang conversation nyo by telling your prospect...

"That's a good question sasagutin ko lahat ng mga tanong mo mamaya. Ngayon gusto muna kitang interviewhin para malaman natin parehas kung para ba sayo ang opportunity na to. Do you want to continue?"

➜ HOW TO MINIMIZE OBJECTIONS?

1. Can I Trust You?

2. Can I Do It?

3. Can You Help Me?

➜ OBJECTION #1. MAGKANO NA BA ANG KINIKITA / KINITA MO DYAN?

Kapag bago ka palang dito sa (Company Mo)
, ito yung tanong na kapag tinanong sayo ay pagpapawisan ka at kakabahan ka talaga :)

Pwedeng ang pumasok sa isip mo nung naitanong sayo 'to ay" Nako Patay! Wala pa kong kinikita, baka hindi ito sumali"

Eto yung kaylangan mong maintindihan… Most people kapag tinanong nila ito, ay hindi naman talaga nila gustong malaman kung magkano yung eksaktong kinikita mo.

Ang pinaka gusto talaga nilang malaman ay kung:

Totoo ba yan? Totoo bang na may kumikita dito sa (Your Company)
? O nag aksaya ka lang ba ng pinang-invest mo.

Sa madaling salita gusto nila ng pruweba or ng social proof kung may mga kumikita ba talaga sa opportunity mo.

Eto yung pwede mong isagot sa tanong na 'to...

Prospect: Magkano na bang kinita mo dyan?

Ikaw: Magkano ba ang gusto mong madinig para maging interesado kang tignan maige ang opportunity na ‘to? :)

OR

Ikaw: Magkano ba ang gusto mongmadinig para maging interesado ka?

OR

Ikaw: Magkano ba ang gusto mong madinig para ma-impress ka? :)

Wag mong kakalimutan ilagay yung Smiley kapag sa chat para hindi magmukhang maangas :)  Kapag kausap mo yung prospect face to face, ikaw ang mag Smiley Face. :)

Medyo kaylangan ng konting posture sa sagot na ito sa una, pero masasanay ka din kapag ginamit mo na ‘tong script na 'to ng ilang beses.

Hindi mahalaga kung hindi mo pa kinita yung halaga na isasagot ng prospect mo sa’yo.

Kaylangan lang ay may mga alam kang success stories from (Your Company)
, kung gagamitin mo ang handling objection na ito para maikwento mo yung story na yun sa prospect mo.

Parang ganito ang magiging flow ng paguusap n’yo…

Prospect: Magkano na bang kinita mo dyan?

Ikaw: Magkano ba ang gusto mong madinig para maging interesado kang tingnan maige ang opportunity na ‘to? :)

OR

Ikaw: Magkano ba ang gusto mong madinig para maging interesado ka?

OR

Ikaw: Magkano ba ang gusto mong madinig para ma-impress ka? :)

Prospect: P30,000

**Kung kinikita mo na yung sinabi nyang figures sa’yo, sabihin mo yan na ang kinikita mo dito.**

Kung hindi pa eto ang isagot mo…

Ikaw: Well, Basically kakasimula ko pa lang sa business na ‘to kaya hindi ko pan nari-reach yung income na ganyan.

Pero let me tell you about ________, (yung success story na lama mo) na kumikita na ng ganyan income at kung ano yung ginawa n’ya para kitain yung ganung income.

(Kwento mo yung maikling storya ng taong binanggit mo)

Ikaw: Kung willing kang sundin at gawin yung ginawa n’ya possible din na kitain mo yung income na ganun.

Gusto mo bang matutunan kung paano yung ginawa n’ya?

FINAL Thoughts: Wag kang kakabahan kapag may nagtanong sayo ng question na 'to. Relax ka lang. At lalong wag ka magpapadiscourage sa ganitong klaseng tanong.

Basta gamitin mo lang yung mga script na nilagay ko dito at alamin mo lang yung mga success stories ng mga ibang members ng ating Team at ng 
AIMGLOBAL tapos ikwento mo yun sa prospect mo. OK? So ang huling tanong ko sa'yo ay...

Magkano na ba ang kinita mo? :)


Or...



Alam mo Ms. or Mr. NAME ng prospect na kausap mo, palaging itinatanong yan sa  amin ng mga nag iinquire or inaalok namin ng opportunity na to. Madalas yan ang karaniwang tanong dahil  gusto nilang malaman kung meron ba talagang kumita sa business na to, yung iba ang Akala nila porket sumali ka lang sa business na to ay kikita ka na...

Bottom line, (your company)
 is a Business Opportunity at depende sa 'yo at sa effort mo ang kikitain mo. Pag MALAKI ang effort na ginawa mo, MALAKI din ang kikitain mo, Pag konti lang ang ginawa mong effort, konti lang din ang kita mo. Pero pag wala kang effort na ginawa, wala ka ding kita.

I want to remind you na ito ay isang Business Opportunity at hindi mga Get Rich Quick Scams. Ngayon tatanungin kita, anong gusto mong kitain, Wala,  Maliit o  MALAKI?"

➜ OBJECTION #3: PAG-IISIPAN KO MUNA

➜ ANSWER #1: Kung na qualify mo ng mabuti yung prospect na kausap mo, eto yung pwede mong isagot sa kanya.

Prospect: pag-iisipan ko muna.

Ikaw: Let's be honest with each other, kaya tayo magkausap ngayon ay dahil may mga goals ka na gusto mong ma achieve at may problema ka na gusto mong masolusyonan

Sabi mo, (THEIR WHY).  Ngayon pinakita ko sayo yung solusyon na makakatulong sayo. Ngayon tatanungin kita.. Ano pa yung kaylangan mong pag- isipan?

➜ ANSWER #2:

Prospect: pag-iisipan ko muna.


Ikaw: Alam mo tama ka. Pag-isipan mo muna ng mabuti to. Kasi ayaw ko din mag-invest ng oras na turuan ka tapos hindi ka ka naman pala ganun ka-desidido na gawin tong Business na to.

Eto yung contact number ko,  bibigyan kita ng 3 days para makapag-isip ng mabuti. Kapag hindi mo ako kinontak within 3 days. We'll consider na hindi para sayo ang Opportunity na to.

➜ANSWER #3: Posible din naman na baka may hindi lang naintindihan yung prospect mo kaya nya sinasabi ang objection na to.

Prospect: pag-iisipan ko muna.

Ikaw: Meron ka bang hindi naintindihan dun sa Business Presentation?

Prospect
: wala naman. Ok naman

Iikaw: Pwede mo bang sabihin kung ano yung kaylangan mong pag-isipan?

Prospect: yung tungkol sa____.

(Help your prospect na makagawa ng informed Decision by EDUCATING them properly about dun sa Pag-iisipan nya.)

Kapag wala ilang maisagot, eto ang pwede mong sabihin:

Ikaw: NAME, I want to ask you a direct question, please answer me honestly. Ok lang ba?

Prospec: ok

Ikaw: Pwede mo bang sabihin sakin kung pag-iisipan mo ba talaga ang pagsali sa business na to?

Alam mo, karamihan kasi ng mga nakakausap namin ay sinsabi lang na pag-iisipan nila pero ang totoo, ayaw lang nila maka-disappoint ng tao.

I want to know now, you can tell me honestly.

Prospect: pag-iisipan ko talaga

Ikaw: Ok. I will give you a week para mapag-isipan ang Business Opportunity na to. Kung sa tingin mo ay talagang makakatulong sayo ang (your company) para (THEIR WHY).

I'll be happy to help and guide you.

Pero kung hindi naman, walang problema. Dito sa business na to, hindi naman namin kaylangan mamilit dahil alam namin na napakaraming Tao ang nangangailangan ng ganitong klase ng opportunity. Nandito lang kami para ipakita ang magandang opportunity na to.  Kaylan kita pwedeng kontakin next week?

Note: Kaylangan mong malaman kung pag-iisipan ba talaga ng prospects mo ang pagsali. Dahil ikaw din ang mapapagod at mag-aaksaya ng oras kapag yung pina-follow up mo pala at kunwari lang na pag-iisipan ang Business na inooffer mo.

Ang goal mo ay maibigay sa prospects ang lahat ng information na kaylangan  nya para magkaron sya ng tamang desisyon.

Always remember: Our job is to inform and to educate.

➜ OBJECTION #4: Yayaman Ba ko Dyan? / Magkano ba Kikitain ko Dyan?


Be honest... The answer is: "Hindi ko alam."

Prospect: magkano ba kikitain ko dyan?

Ikaw: Gusto mo ba ng honest na sagot?

Prospect: syempre naman / Oo.

Ikaw: Hindi ko alam. Hindi ko alam kung magkano ang kikitain mo dito o kung kikita ka ba dito, gusto mo bang malaman kung bakit hindi ko alam?

Prospect: Bakit?

Ikaw: Hindi ko kasi alam kung anong gagawin mo kapag sumali ka sa business na to. Dito kasi, pag wala kang effort na ginawa, wala ka ding kita. Pag konti lang ang ginawa mong effort, konti lang din ang kita mo. Pag MALAKI ang effort na ginawa mo, MALAKI din ang kikitain.

I want to remind you na ito ay isang Business Opportunity, at hindi business guarantee. Depende sayo at sa effort mo ang kikitain mo.

Ngayon tatanungin kita, anong gusto mong kitain? Wala, Maliit o MALAKI?

Prospect: Mas gusto ko yung malaki.

Ikaw: That's Good! :) Kaylan mo gustong simulan ang pag e-effort?

NOTE: Dapat lang na sa umpisa pa lang ay malaman na ng prospects mo ang totoo, na ang kikitain nya o ang magiging resulta nya ay depende sa gagawin nyang effort sa business nya.

Let them know na as their Sponsor, tuturuan at iga-guide mo sila but ultimately, sila ang magde-determine ng results nila.

May risk sa kahit anong business. What you're offering isn't a guarantee, it's an opportunity. If they're looking for a "sure thing", then tell them na hindi pa sila handa para maging entrepreneur. Because all Businesses have risk attached.

➜ OBJECTION #5: Pyramiding Ba To? Scam Ba To?

➜ ANSWER #1:

Prospect: Pyramiding Ba To?

Ikaw: Anong Ibig Mong Sabihin? Yung mga illegal?

Prospect: Oo

Iikaw: Yung tipong nangangako na mg-invest ka lang tapos do-doble na ang pera mo kahit wala kang gawin?

Prospect: oo

Ikaw: Yung mag-invest ka lang ng pera tapos wala kang makukuhang produkto, basta sabi nila ay kikita yung pera mo?

Prospect: Oo

Ikaw: Ganun ba ang hinahanap mo?

Prospect: Hindi

Ikaw: Ok, that's good dahil kabaligtaran ito nun.

NOTE: Teach them kung ano ang pinagkaiba ng mga pyramiding scams sa mga legitimate network marketing opportunities..

Pero halos sinabi mo na din sa kanya ang mga yun.

➜ ANSWER #2:

Prospect: Pyramiding ba to?

Ikaw: Magandang tanong yan. Pwede mo bang sabihin kung ano ang unang pumapasok sa isip mo kapag nadidinig mo ang salitang Pyramiding?

Prospect: Yung mga Scams.

Ikaw: Tama ka dyan ang pyramiding ay mga scams. May bad experience ka ba sa mga scams?

Prospect: wala naman, may nakita lang ako sa Tv na parang ganyan.

Ikw: Scams ba ang hinahanap mo?

Prospect: Hindi

Ikaw: That's good kasi hindi ito scam. Gusto mo bang ituro ko sayo kung ano ang pagkakaiba ng legitimate na mga business opportunity sa mga pyramiding scams?

Prospect: ok

NOTE: Assuming na inaral at alam mo din ng maige kung ano yung difference ng legal MLM sa mga pyramiding.

Or pwede ka mag refer sa ANSWER #1.

➜ ANSWER #3: KWENTO

I understand you NAME (ng Prospect). Sa totoo lang, noong unang pinakita sakin ang business na to ganyan din yung iniisip at akala ko. Akala ko scam ito. Ang dami ko din kasing nadidinig sa mga balita na madami nga daw ang mga sumusulpot na mga scams.

Pero na realize ko na wala naman palang mawawala kung titignan at aaralin kong mabuti kung totoo ba ito. Malay ko ba kung totoo?

Kaya ang ginawa ko.. Inaral kong maige kung scam ba yung business o hindi.

Natutunan ko na meron pala talagang mga scams pero meron din pala talagang mga legal at totoong business opportunity.

Na realize ko din na may mga scams naman talaga kahit anong industriya pa.

May scammer na travel agency, may scammer na booker, may scammer na employment agency, may scammer na abogado, may scammer na doctor, may scammer na religion,

Sa mga pulis may mga tiwali pero may mga tapat.

Sa gobyerno may tapat at may mga kurakot, etc..

Ganun din dito sa Network Marketing, may mga scams pero meron ding mga legal at totoo.

Gusto mo bang ituro ko sayo kung paano mo malalaman kung legal at totoo ang isang business opportunity?

NOTE: Remember, madalas na itatanong ng isang prospect ang objection na to kung hindi nya nakikita yung confidence sayo habang ine-explain mo yung negosyo mo o habang kinakausap mo sya.

➜ OBJECTION #6: Networking Ba To?


Ikaw: Great question, pwede mo bang sabihin kung ano yung unang pumapasok sa isipan mo kapag sinabing Networking?

Prospect: Yung mga scam.

Ikaw: Gusto mo bang sumali sa mga scams?

Prospect: Syempre hindi

Ikaw: Pwede ko bang i-share sayo kung bakit yung iba ay scam ang tingin sa mga network marketing opportunity?

Prospect: sige

Ikaw: Sige ipapaliwanag ko sayo ng maige. Gagawin kong example ay ang mga pulis. Lahat ba ng mga pulis ay matino at tapat sa tungkulin?

Prospect: Hindi

Ikaw: Tama ka, may mga ilan na may maling gawain, pero hindi natin maiiwasan na kung minsan, porke't may mga tiwaling pulis ang tingin na ng karamihan ay masama na sa buong kapulisan, tama ba?

Prospect: Oo tama

Ikaw: Ganun din sa gobyerno, di naman lahat ay corrupt pero ang tingin ng marami kapag may posisyon ay corrupt na agad, tama ba?

Prospect: oo tama ka dyan

Ikaw: Ganun din dito sa network marketing industry NAME, may mga ilan din talagang mga scams at nagte-take advantage sa mga tao.

Pero hindi lahat, dahil meron talagang mga legal na opportunity kung saan pwede ka talagang kumita.

Pero ang nangyayari, pati yung mga legal ay napapagkamalan na scams dahil nga sa mga maling gawain at pagsasamantala ng ibang tao.

May gusto akong ipakita sayong mga katibayan para makita mo na legitimate ang program at opportunity na to. Ok ba sayo yun?

(show our legalities)

Or..

Gusto mo bang ituro ko sayo kung paano mo malalaman na legitimate ang isang Network Marketing company / opportunity?

(Refer to pyramiding ba to?)

➜ OBJECTION #7: Sigurado Bang Kikita Ako Dyan?


Ikaw: Depende sayo, dahil ito ay business opportunity at hindi business guarantee. Pero alam mo ba kung ano yung sigurado?

Prospect: Ano yun?

Ikaw: Kung patuloy parin gagawin ang ginagawa mo at kung hindi ka gagawa ng bago, kung ano man ang sitwasyon mo ngayon, 5 Years from now malamang ganun pa rin ang magiging sitwasyon mo.

5 years from now malamang inaasam mo pa rin na (THEIR REASON WHY)

Sigurado bang yayaman ka dito? Depende kung gaano mo ka gusto na magkaron ng pagbabago sa buhay mo. Tanungin kita, sigurado ka ba talaga kanina nung sinabi mo na (THEIR WHY)

Prospect: Oo naman

Ikaw: Handa ka na bang gumawa ng bago?

Prospect: Oo

Ikaw: Good. Welcome sa team. Ituturo ko sayo kung paano ka magsisimula.

➜ OBJECTION #8: Paano Kung Wala Akong Ma-recruit? / Mapasali?


Ikaw: Curious lang, bakit mo naitanong yan?

Prospect: Baka kasi wala akong ma-invite.

Ikaw: Tanungin kita, asasabi mo ba na coachable ka? Masasabi mo ba na willing kang pakinggan yung mga ituturo namin sayo at willing ka bang gawin yung mga ipapagawa namin sayo para (THEIR WHY)

Or..

Ikaw: Tanungin kita, masasabi mo ba na coachable ka? Masasabi mo ba na willing kang matuto at gawin yung mga ituturo namin sayo para maging successful ka sa business na to?

Prpspect: Oo, willing ako

Ikaw: Ok great, may iba ka pa bang concern bago ka magsimula?

Prospect: Wala na.

Ikaw: Great! Welcome to our team. Let me guide you kung paano ka makakapagsimula sa business mo.

➜ OBJECTION #9: Paano Ang Kitaan? / Paano Ba Ang Marketing Plan / Pay Plan Nyo?

This objection ay kadalasang manggagaling sa mga prospects mo na meron ng background sa network marketing o pagiging entrepreneur. All you need to do is just to show/ explain them your pay plan. (Ipanood ang Video)

And don't just show them the good side of your pay plan, also present them the advantage and dis advantage. Just be transparent. Aminin natin na wala naman talagang perfect compensation plan.

Kapag ginawa mo yun, your prospect will respect you and trust you more dahil you are showing them that you're concern at ayaw mong magkaroon sila ng maling decision.

➜ OBJECTION #10: Ang Mahal Ng Pay-In (Ex. 3,000)

Ikaw: I understand and I'm sure may dahilan kung bakit mo nasasabi na mahal yung 3000. Ano yung dahilan mo?

Prospect: Ah kasi may blah, blah, blah..

Ikaw: Ok naiintindihan kita. Sa totoo lang ganyan din yung akala ko bago ako mag join dito. Pero...

(Kung may RESULTA ka na, eto ang sabihin mo..)

Share ko lang sayo itong istorya ko. Nuong sumali ako dito, nag/invest din ako ng 3,000, ngayon kumita na ako ng P50,000 in just 2 Months.

Tatanungin kita, Tingin mo posible ba na mas malaki pa yung babalik sayo kumpara sa ilalabas mo kung mag jojoin ka sa (your company)?

Kung bago ka pa lang, share mo yung story ng isa sa mga successful sa company mo..

Ikaw: Share ko lang sayo itong istorya ni Pedro Pindoko. Dati nuong nagsisimula sya sa Business na to ay nag/invest din sya ng 3,000.

Ngayon kumita na itong tao na to ng P100,000 in just 4 months.

Tatanungin kita, sa tingin mo posible ba na doble-doble pa yung babalik sayo kumpara sa ilalabas mo kung mag apply ka sa APS at kung gagawin mo ang Affilliate Program na to?

➜ OBJECTION #11: Wala Akong Pera.

Ikaw: Pwede bang magtanong? Ok lang ba sayo kung magtapatan tayo sa isa't-isa?

Prospect: Ok lang

Ikaw: Ibig mo bang sabihin ay interesado ka sa business na to pero wala ka lang pera O sinasabi mo lang na wala kang pera dahil mabait kang tao at ayaw mo kong ma-offend kaya hindi mo agad masabi na hindi ka interesado?

Kapag sinabi nilang hindi sila interesado, eto ang sabihin mo...

Ikaw: Sabi ko na eh.. Hahaha! Ikaw talaga... Walang problema. I understand. Hindi naman kasi talaga para sa lahat ang Business Opportunity  na ito. Ang hinahanap ko lang ay yung talagang interesadong matulungan ng opportunity na to.

Or.. You can also ask for referrals.

May kakilala ka bang gustong kumita ng additional 10,000 per month gamit lang ang Facebook at Internet at pwedeng matulungan ng opportunity na to?

Pag sinabing interesado talaga sila at wala lang talagang pera, ang kaylangan mo lang gawin ay turuan sila kung paano mag isip ang mga mayayaman.

Ikaw: Alam Mo Sa totoo lang, Naiintindihan ko yang sitwasyon mo NAME.

Kasi Nung una kong nakita 'tong Business na 'to ganyan din yung sitwasyon ko at ganyan din yung sinabi ko…

"Wala akong Pera".


Pero narealize ko, kung wala akong gagawin na paraan. At kung wala akong gagawing bago wala ding mangyayaring bago sa Buhay ko..

Kung 5 years ago sinasabi ko na yung salitang “Wala akong pera, Malamang 5 years from now ay paulit ulit ko pading sasabihin yung salitang "Wala akong Pera".

Kaya ang ginawa ko.. Gumawa ako ng paraan, Binaba ko yung Pride ko, kahit masakit at napaka hirap para sakin nun ay nangutang ako sa mga Kakilala ko, Specially sa mga taong Pinagkakatiwalaan ako..

Eto lang yung gusto kong itanong sa'yo…

Gusto mo ba na palagi mo na lang sasabihin yung salitang yan "WALA AKONG PERA"?

Gusto mo ba  sakto o KULANG na lang palagi yung pera mo?

Prospect: syempre hindi

Ikaw: Ano yung 3 bagay na pwede mong gawin para makagawa ka ng paraan at para makapag raise ka ng puhunan?

ANSWER #2:

Make them Uncomfortable with their situation (in a nice way :).

Prospect: Wala akong pera?

Ikaw: Totoo bang wala kang pera?

Prospect: Oo totoo

Ikaw: Anong pakiramdam ng walang pera? (Pagkatapos mong magtanong tumahimik ka at pakinggan mo yung sasabihin n’ya)

Prospect: Hindi OK

Ikaw: Paanong hindi OK? Pwede mo bang i-explain? (Let them talk)

Ikaw: Naku! NAME, mukang hindi nga OK yung ganyang sitwasyon at pakiramdam.

Pero pano mo magagawang mabago yang sitwasyon mo kung hindi mo babaguhin yung ginagawa mo o kung wala kang gagawing bago?

➜ Kung gusto mo ng mabilisang sagot, eto yung pwede mong sabihin..

Seryoso ka ba talaga kanina nung sinabi mo na makakatulong itong opportunity na to para (THEIR WHY)

Prospect: Oo, seryoso ako

Ikaw: Kung may maiisip kang 5 na magandang paraan para makapag-raise ng pang-invest para makapag start ka na sa business na to at para (THEIR WHY), ano-ano yung mga paraan na yun?

➜ OBJECTION #12: Wala Pa Kong Pera

Ikaw: Walang problema kung wala kang pera. Ang gusto kong malaman ay kung meron kang nakitang benefits sa opportunity na to na makakatulonh sayo para hindi ka na ulit mawawalan ng pera at para hindi mo na ulit sasabihin yang salitang "Wala Akong Pera."?

Prospect: Oo

Ikaw: Ano yung mga benefits na yun?

Prospect: Yung ganito, tsaka ganire.. blah blah blah

Ikw: Ok good, kaylan ka magkakaron ng pera?

Prospect: sa katapusan

Ikaw: Great! Welcome in advance. Kokontakin kita sa katapusan para ma guide kita at para maituto ko sayo kung paano ka makakapagsimula at para maranasan mo na agad yung mga benefits na nakita mo sa opportunity na to.

➜ OBJECTION #13: Pautangin Mo Muna Ako / Babayaran na Lang Kita Pag Kumita Na Ko.

Ang kulit ng Objection na to.  Ikaw na nga ang nag offer ng magandang opportunity, ikaw pa ang uutangan. Hehehe

Minsan, may mga malupit pang banat ang mga prospect at ganito ang sinasabi.. "Kung talagang gusto mo akong tulungan, pautangin mo muna ako." Nyay! Lupit diba?

Eto yung pwede mong sabihin para matulongan mo s'ya ng hindi ka magpapautang. :)

Ikaw: Willing ka ba talagang mangutang para makapagsimula sa business na ‘to?

Prospect: Oo.

Ikaw: Ano yung magandang dahilan bakit kita papautangin?

Prospect: Ay syempre…. ganito, ganyan, ganurn…

Ikaw: Maipapangako mo bang ibabalik mo yung hihiramin mo kapag may pera ka na?

Prospect: Oo promise.

Ikaw: OK, matutulungan kita kung paano ka magkakaron ng pera, pero di kita mapapautang. Ganito gawin mo, kuha ka ng papel at ballpen.

Ikaw: Isulat mo sa papel ito P3,000 devided by 30. Anong sagot?(Ipasulat mo sa kanya P3,000 devided by 30)

Prospect: P100

Ikaw: Ok, good. Ngayon magsulat ka d’yan sa papel ng 1 up to 30.

Prospect: Ok na.

Ikaw: Isulat mo dyan yung mga pangalan ng mga pinaka malapit mong kaibigan, kamag-anak at kakilala.

Prospect: Ok na.

Ikaw: Ok great, ‘di ba kanina sabi mo na willing kang manghiram para makapagsimula ka sa business na ‘to at para (Their why).

At sinabi mo din na mapapangako mo na maibabalik mo yung hiniram mo once na magkapera ka na.

Ngayon kung talagang gusto mong makapag simula sa business na ‘to, ganito ang gawin mo, lapitan at kausapin mo yang mga tao na sinulat mo d’yan sa papel na yan.

Sa 30 mong kaibigan na yan ka manghihiram ng tig P100. Siguro naman ay hindi ka mahihirapan na manghiram dahil hindi naman kalakihan yung P100.

Sabihin mo sa kanila yung dahilan na sinabi mo sa’kin kanina kung bakit kita papautangin ng pera.

Sabihin mo din sa kanila yung sinabi mo sa’kin na maipapangako mo na ibabalik mo yung hiniram mo kapag nagkapera ka na.

Tapos kontakin mo ko kapag OK na para maituro ko sa’yo yung mga gagawin mo para makapagsimula.

NOTE: Kung talagang seryoso sila, gagawin nila ang pinagawa mo, kung hindi sila seryoso, hinid nila gagawin. Kaya wag ka din mage-expect.

➜ OBJECTION #14: Wala Akong Time.

Makukuha mo lang ang objection na to kung hindi mo na QUALIFY / SORT ng mabuti ang prospect mo.

Prospect: Busy ako

Ikaw: Anong ibig mong sabihin?

Prospect: Busy kasi ako sa trabaho. Wala akong oras para gawin to.

Ikaw: Alam mo, naiintindihan kita. Sa totoo lang noong una kong nakita tong business na to ganyan na ganyan din ako. Nagta trabaho kasi ako at sobrang busy ko.

Pero alam mo ba kung ano yung na realize ko kaya ko ginagawa ngayon ang business na to?

Prospet: Ano yun?

Ikaw: Na-realize ko na busy lang pala ako na payamanin yung Boss ko! Sa sobrang busy ko na payamanin yung boss ko, wala na kong time para sa pamilya ko at para abutin yung mga sariling pangarap ko.

Na-realize ko na yung mga mayayaman kaya yumayaman at dahil ginagamit nila yung oras nila at yung oras ng ibang tao para payamanin ang sarili nila.  Ginagamit nila yung oras nila para abutin yung mga pangarap nila.

Pero karamihan ng tao ginagamit nila ang oras nila para payamanin ang ibang tao. BUSY silang magtrabaho ng 8-10 hours para payamanin yung boss nila.

Ilang taon ka na NAME?

P: 32

Ikaw: Tatanungin kita, gusto mo bang habang buhay kang maging busy at ilaan ang oras mo para payamanin ng ibang tao imbes na payamanin ang sarili mo? Imbes na abutin yung mga pangarap mo?

Prospect: Hindi

➜ OBJECTION #15: Alam Ko Na Yan.

Ikaw: Pwede mo bang sabihin kung ano yung nalalaman mo na?

Or..

Ikaw: Anong ibig mong sabihin na "Alam Ko Na Yan?"

Prospect: Networking yan diba?

Ikaw: Anong ibig mong sabihin sa Networking?

-Ngayon ang next na gagawin mo ay sagutin kung ano talaga yung Objection nila.

➜ OBJECTION #16: Sabi Ng Kaibigan / Kakilala Ko Hindi Daw Totoo Yung Ganyan.

Ikaw: Ok lang ba kung tanungin kita ng seryosong tanong?

Prospect: Ok lang.

Ikaw: Businessman ba yung kaibigan mo?

Prospect: Hindi

Ikaw: May background ba sya sa kahit anong negosyo?

Prospect: wala

Ikaw: Masasabi mo bang Financially Successful yung kaibigan mo?

Prospect: Hindi

Ikaw: Gusto mo ba talagang makinig sa advice ng kaibigan mo?

➜ OBJECTION #17: Sasabihin / Ipapaalam Ko Muna Sa Asawa Ko.

Ikaw: Ok NAME, walang problema. Pwede mong gawin yan. Pero tatanungin muna kita, seryoso ka ba kanina noong sinabi mo na (THEIR WHY)

Prospect: Oo naman. Seryoso ako

Ikaw: Sabihin natin na pumayag ang asawa mo, anong gagawin mo?

Prospect: Sasali ako

Ikaw: Paano kung hindi sya pumayag? Ibig sabihin bang hindi ka na seryoso na (THEIR WHY)

Look NAME, willing ako na tulungan ka sa Business na ito, pero ang hinahanap ko lang ay yung mga seryosong tao. Yung mga tao na seryoso talaga na mabago ang sitwasyon nila sa tulong ng opportunity na to.

I will give you until tomorrow para kontakin ako, dun natin malalaman kung para ba talaga sayo ang opportunity na to.

NOTE: This is a vey postured answer, kaylangan ng practice sa simula kung gagamitin mo ang objection handling na ito. Pero yun lang naman talaga ang paraan para mahasa ka, by practicing or by doing it.

➜ OBJECTION #18: Hindi Ko Linya Yan

Ikaw: Curius lang ako, Ano yung hindi mo linya? Yung kumita ng extra income, maabot yung mga pangarap mo o yung makatulong sa ibang tao?

(pagkasabi mo nito, ibibigay nya sayo yung tunay na objection at concern nya. Handle that REAL Objection of your prospect.

➜ OBJECTION #19: Nasubukan Ko Na Yan Dati

Hindi porket hindi sya naging successful dati, ibig sabihin ay hindi na sya magiging successful kahit kaylan. Eto ang pwede mong sabihin para ma-realize nya iyon.

Ikaw: Tingin mo, ano yung dahilan bakit hindi ka naging successful dati?

(Madalas isasagot ng prospect mo ay tulad ng mga.. Pinabayaan kasi ako ng upline ko, hindi ko kasi nabigyan ng sapat na oras, nagsara kasi agad yung company, etc.,

Eto yung pwede mong sabihin sa kanya..

Ikaw: Thank You sa pag-share mo ng experiences mo. Tatanungin kita, masasabi mo ba sa sarili mo na coachable ka? Masasabi mo ba sa sarili mo na willing kang aralin at gawin yung mga ituturo sayo para magkaron ng resulta sa business na to?

Prospect: Oo willing ako

Ikaw: Kung magsisimula ka ulit ng MLM Business mo ngayon, ano sa tingin mo yung kaylangan mong gawin para hindi ka na ulit mag-failed?

Listen carefully sa isasagot nya. Dun sa sagot nya matatantsa mo yung willingness nyang matuto at maging successful.

Quick TIP: Aralin muna ng mabuti ang Negosyo mo bago i-share.

Kasi mahirap talagang maging successful sa isang bagay na hindi mo naman talaga alam kung ano ang tamang gagawin.

pansinin mo, sa lahat ng company na nasalihan mo, merong mga tao na halos hindi na nag iinvite, pero sya ang nilalapitan ng Tao para mag join sa kanya or para bumili ng products nya ino offer nya.

In short, sya ang hinahabol at hindi sya ang mukang kawawa na naghahabol.

Gusto mo bang matutunan yung ganung strategy?

➜ OBJECTION #20: Hindi Ako Interesado


Prospect: nagustuhan ko, pero next month na.

Ikaw: Ok lang naman yan, walang problema. Pero tatanungin kita, what's the difference kung mag simula ka na ngayon kumpara next month? Bakit mo pa gugustuhin na i-delay ang pagsali mo kung ngayon pa lang ay pwede mo nang simulang ma-experience yung mga benefits na makukuha mo mula sa opportunity na to?

Ano yung pumipigil sayo para makagawa ng aksyon ngayon?

➥PAG NASAGOT MO NA LAHAT NG OBJECTIONS AT NYA AYAW TALAGA.. ETO ANG SAGOT!

Okay NAME ng prospect mo,  ayoko mang sabihin to pero mukang hindi ka pa handa para sa Opportunity na to..

Ang hinahanap kasi namin ay yung tao na kayang gumawa ng Smart Decision kapag nakakita ng magandang Opportunity sa harap nila.

Okay lang yun at walang problema dun, dahil hindi naman talaga lahat ng tao ay para sa Opportunity na to..


Don't worry, magkaybigan parin naman tayo :)

Dahil yung Opportunity naman ang tinanggihan mo at hindi yung pagkakaybigan natin,

Tama? ;)

Eto lang ang Huling bagay na masasabi ko..

NORMAL LANG NA MAG-DUDA, OK DIN ANG MAG IMBESTIGA.

Pero ang tanong lang naman dyan..

Hanggang kaylan na ganyan?

At saang part ka may Mapapala?

Maraming salamat sa oras mo NAME.

God Bless You.

Kaylangan mong Tapusin ang conversation nyo in a Very Professional And Postured Way. Wag kang magagalit o magtatampo sa kanya dahil normal lang naman talaga na hindi magustuhan ng lahat ang Business natin. Pero kadalasan ang totoong reason ay hindi pa talaga sila ready nung time na inoffer mo sa kanila ang business mo. Magugulat ka nalang, one time., sila pa mismo ang lalapit para sumali sayo.

So Congratulations! And I hope na madami kang natutunan dito, at MAKE SURE na I Apply mo talaga ang mga Objection Handling Scripts na ito sa iyong (Your Company) Business.

MAKE SURE din na kopyahin mo ito at i save sa notes mo para hindi ka na paulit ulit na maghahanap at para mas madali mo itong ulit ulitin at mapag aralan ang Handling Objections na ito.



Your Friend to Success,

ANTONIO MOSTALES NABUYA JR

Pinoy Affilliate Marketer



Tuesday, May 2, 2017

FACEBOOK MARKETING TIPS FOR YOUR ONLINE BUSINESS

FACEBOOK MARKETING


Matutunan mo dito ang mga paraan kung paano mo gagamitin ang FB para sa business mo.

Kung gusto mo ng magandang resulta sa business mo, kaylangan ay maraming tao ang bumibili ng products mo at marami ang sumasali sa opportunity mo (obviously). Sa madaling salita, kaylangan mo ng mas maraming sales at mas maraming recruits. More sales=More Profits tama?


Ang tanong, paano ka magkakaroon ng mas maraming sales at mas maraming sasali sa Opportunity mo? 

Isa sa kaylangan mong magawa ay maipakita sa mas maraming tao ang products at opportunity mo. Pwedeng sa paraan ng pagpapanood ng inyong opportunity video presentation. O kaya naman pwede rin sa pamamagitan ng pagpapabasa sa kanila ng inyong written sales message sa iyong blog or website. Kaylangan mong ipakita sa maraming tao ang benefits ng iyong products at oppoturnity.

WHY FACEBOOK?

Isang napaka interesting na fact... Alam mo ba na as of 2013 survey, pang number 3 ang Pilipinas sa bansa na may pinaka maraming facebook account (35 million users mahigit). Ang mga potential prospects mo ay naglipana sa FB at halos araw araw silang nagla log in para makapag post, browse, mag like , mag comment at makipagchat sa loob ng FB.

At pwedeng mong gamiting ang facebook para mag-drive ng traffic papunta sa BLOG, WEBSITE o SALES VIDEO mo. At ito ang sagot sa tanong na paano mo ba gagamitin ang FB sa business natin.

GAGAMITIN MO ANG FACEBOOK AS A SOURCE OF ONLINE TRAFFIC ta GAGAMITIN MO ANG FB, PARA MAS MARAMING TAO ANG MAKAPUNTA SA SITE MO AT PARA MAS MARAMING TAO ANG MAKAKITA NG MGA OFFERS MO.


2 WAYS TO DRIVE TRAFFIC ON FACEBOOK


May Dalawang Paraan na pwede mong gawin para makapg-drive ka traffic galing sa FB papunta sa Blog/Website na ginawa mo. Yung Free at PAid FB traffic.

1. FREE Facebook Traffic Ideas
Unang ishe-share ko sa'yo ay yung mga free facebook traffic strategy na ginagawa at inaapply ng karamihang online marketers.
FACEBOOK Fan Page: 

Pwede kang gumwa ng facebook fan page or facebook page. Pagkatapos kapag meron ka ng page, pwede ka ng mag-start na magpost o mag-publish ng mga engaging and relevant content sa FB page mo. This is FREE marketing, wla kang expenses pero kaylangan mong mag-bigay ng oras, effort at kaylangan ng pagiging consistent mula sayo.

Sa simula, pwede ka rin magpadala ng invitations sa mga facebook friends mo para i-Like nila ang page mo, IF ever interested sila sa mga topic na idini-discuss mo doon sa page na yun.

Pero kaylangan kitang bigyan ng warning sa isa hanggang dalwang beses mo lang  dapat padalhan ang mga friends mo ng invitation para i-like ang page mo. Wag kang maging parang spammer na padala ng padala ng invites kahit na hindi nga sila interesado..

Isipin mo, pipilitin mo ba ang mga kaibigan mo para sabihin na ang kulet mo. hindi naman diba? Kaya wag mo ring gawin ang madalas na ginagawa ng iba na padala ng padala ng invitation to like their page.

Ang mga questions na kaylangan mong sagutin bago mo gawin ang strategy na ito ay:

  • Sino ang audience or tipo ng mga tao na gusto mong i-attaract?
  • Ano anong mga problems meron ang mga target audience mo na ito? 
  • Health Problems ba? 
  • Time Problems ba? 
  • Money Problems ba?
  • Ano yung mga solusyon na hinahanap nila?
Kaylangan mong maging specific sa mga isasagot mo mula sa mga tanong na'yan , dahil kapag alam mo ang mga sagot sa mga tanong na yan, magkakaron ka rin ng idea kung ano ano yung mga ipo-post at ipa-publish mo sa'yong fanpage. at madali mong malalaman kung ano ano mga tipo ng content ang makakapag attract ng mga followers na magfi-fit sa ideal at target prospects mo.
  • Gusto mo bang makapag attract ng mga taong health concious?
  • Gusto mo bang makapag attract ng mga taong may entrepreneurial spirits?
  • Gusto mo bang makapag attract ng mga taong open sa mga oppotunities?
  • Gusto mo bang makapag attract ng mga taong may pare-parehas ng problems?
So, depende kung sino yung mga tipo ng prospect ang gusto mong ma-attract.

Kung nasubukan mo na rin mag-post ng mga links at mag-promote sa facebook, pero hindi naman naging maganda ang resulta ng mga gingawa mo, malamang ito yung mga tanong na pumasok sa isip mo..

  • Bakit kaya parang walang  nagpupunta sa website or sa page ko pag nagpopost ako ng mga links dito sa facebook?
  • Bakit parang walang nakaka-kita ng mga pino-post ko dito sa FB?
  • Bakit parang  di nila pinapansin pag nagshe-share ako ng tungkol sa business ko?

Nakakapagtaka  naman talaga di ba? Post ka ng post sa FB pero parang walng nag i-inquire sa'yo. Nagpo-post ka na ng 'sang damakmak na links at kung ano anong mga pictures, videos, quotes etc pero parang wala namang nakakaka-kita,,

HOW DOES FACEBOOK REALLY WORKS?


Ang FB kasi ngayon ay hindi na katulad ng dati na basta mag-post ka lang sa wall mo lahat ng friends mo ay makikita yung post mo. Dati kasi simple lang, kung gaano kadami yung friends mo, basta may i-post ka sa wall mo makikita na yun ng  lahat ng friends mo,

Pero ngayon hindi na ganun ang FB. Ang dami kasing nag-abuse ng ganung feature ng FB. Ang nangyari post lang ng post ang mga tao ng ads. Can you imagine na lahat ng nakikita mo sa newsfeed mo ay puros ads lang? kabwuesit naman talga di ba? Baka hindi ka na mag log in sa FB kasi puro mga promotions na lang ang nakikita mo..

Eto ang totoo...People don't like ads, isipin mo na lang pagnanunuod ka ng TV diba badtrip pag puro commericial. Ang gusto mo nga diba na mawala na yung commercial para yung paborito mo na lang na palabas yung panonoorin mo?

Facebook wants to keep their users and members happy all the time and that's why gumawa sila ng paraan, Facebook simply change their rules. Ngayon kapag nag post ka sa wall mo, ang mga makakakita nalang nun ay yung mga tao na lagi mong ka-interaction. Yung mga tao na lagi mong ka-chat, yung mga tao na nila-like ang post mo, yung mga tao  na nagko-comment or nagshe-share ng mga pinost mo.

Eto ang problema... kapag ang ginagawa mo lang ay magpost lang ng post sa FB sa wall mo ng links, pictures na walang ibang sinasabi kung hindi BUY MY PRODUCTS!! or JOIN MY OPPORTUNITY!! (sa madaling salita walang VALUE) natural lang na di gaanong makikipag-interact ng mga friends mo sa mga posts na yun.

At kapag hindi nakikipag interact ng mga friends mo about sa mga pino-post mo sa facebook, ang magiging resulta, kaunti lang ang mga tao na makakkita ng mga susunod na ipo-post mo.

Pansinin mo yung FB newsfeed at notifications mo, ang mga madalas na makikita mo ay yung mga post at mga status ng mga taong palagi mong kachat at ng mga tao na lagi mong kainteract.

Kaya kung gusto mo na magamit ang facebook ng mas effective sa yong business kaylangan mo ng interaction at engagements.

Kaylangan  ang Goal mo sa tuwing magpo-post at magshe-share ka sa FB ay madaming maglike, magshare or magcomment dun sa pinost mo.

ang malaking tanong ay paano natin gagawin yun?

Ngayon alam mo na, hindi interesdo ang mga tao sa mga self promotions at ads na walang ibang sinisigaw kundi JOIN ME & BUY MY PRODUCTS.. dapat lang na ibahin mo na ang strategy mo.

So ano ang ipopost mo ngayon? 

Anong gagawin mo para mas maging effective ang pag-market mo sa FB? 
Kaylangan malaman muna natin saan bang mga bagay nagiging interesado ang mga tinatarget mo o ina-attract natin na mga tao. Anong mga post ang madalas nilang i-like, i-share at lagyan ng comments.

Here's what  I found out... ang mga tao ay interesado at mas nakikipag-interact sa mga posts at content na nabibilang sa 4E's:

  • Empowering (Inspiring)
  • Educational
  • Entertaining
  • Enlightening

Kahit video, picture or text man yan, basta't yan ay Empowering, Educational, Entertaining at Enlightening. People will love it and interact with it.

Ang madalas na tanong ng iba..Eh saan o kaylan ko naman ipo-post yung tungkol sa opportunity or link papunta sa mga offers ko. Paano ko ipopromote yung mga opportunity at products ko?

Here's the Answer..Make sure to balance your FB post 60-80%  ng mga ipost mo ay mga content na pasok sa 4E's at mga post tungkol sa personal life. at 20-40%  naman about sa business mo.

For example, kung ngayong araw na to ay may limang beses ka nang napost sa wall mo, pwedeng yung 3 or 4 na post ay mga content na pasok 4E's . you need to always lead with VALUE first. Pagkatapos yung 1 or 2  na post mo ay something about your  business na. another TIP is use image a lot sa mga posts mo, Its grabs more attention and will help increase interaction and engagement. 

Pwede mo rin gawin yung tinatawag ko na NINJA MARKETING! Pwede rin naman kasi na kahit yung post mo ay something about your personal life or something Empowering, Eduacational, Entertaining at Enlightening.. maaari ka pa ding maglagay ng link papunta sa website/blog or page mo. I do this a lot and it is very effective for me.

For example pwede kang  magpost ng something na educational like sa tungkol sa Financial Education, Business in general, about Entrepreneurship, pero sa dulo nung post mo ay may nakalagay na link mo.

Kaya tinawag yan na Ninja Marketing kasi yung post mo ay hindi mukhang promotion pero promotion talaga sya ( na may VALUE) :) . Nagpro-promote ka pero parang ang dating ay nagshe-share ka lang ng mga valuable content. 2 in 1 !Ayos diba?

ADDITIONAL TIPS na magagawa mo para sa'yong FREE FB Marketing strategies:

  • Add Friend in a consistent basis: Hindi ko ire-recomend ng mag add ka lang ng mag add ng mga random friends. Add targeted friends.
  • Join Groups in your niche: you will meet a lot of people with same mindset by joining groups. You can select Groups pages related sa target market mo. The members of those Groups ang best prospect to tap at pwede mong i-add ng paunti- unti yung mga members ng group.
  • Increase Engagement: Chat a lot, interact in groups, make your posts likeable. In your post, ask people to like, share and comment on your post (ex: share or like if you agree, share or like if you like this. etc.)
  • Clean your wall: Delete all ugly and unwanted posts na nasa wall mo Ex. Ads ng ibang marketer na pinost sa wall m0, picture na tinag sayo ng mga spammers, games, invitation, apps invitation, etc. 
  • Always encourage people to visit and like your page: ilagay mo palagi yung URL ng page mo sa lahat ng mga marketing pieces mo. Sa  follow up email mo, sa blog mo, sa FB profile mo.
2. PAID FACEBOOK TRAFFIC IDEAS
Introduction to FB Ads

  • FB Ads is a form of paid advertising
  • It can make or break you business
  • Can easily go Viral
  • Highly targeted
  • Cheap
Pangalawang paraan  gamitin ang FB advertising or FB sponsored Ads. FB ay yung mga ,maliliit na adveritising namkikita mosa right side ng FB kapag nasa home page ka.




Ang gagawin mo ay gagawa ka ng ads at ta-targetin mo yung mga tao na gusti mong targetin base sa kanilang demographics, age range, sex, relationship status, precise interests at iba pa

Demographics - Pwede kang pumili ng mga specific na bansa at mga cities na gusto mo lang na makaita ang ads mo. At yung mga tao na nasa demographics na napili mo ang sya lang makakakita ng ads mo. For ex. mga tao na nsa Philippines at nakatira sa Quezon City.

Age range and sex -Pwede mo i-specify kung ano yung sex at age range ng mga tao na gusto mong makakita ng ads mo. Kung gusto mong mahanap 21yrs old to 45yrs old both male and female ang makakakita ng ads mo, pwede yun,

Precise Interest - Ito yung pinaka importanteng targeting capabilities ng FB ads.
Sa pamamagitan ng precise interest, pwede mong mapinpoint yung mga pinaka targeted na prospects para sa products at opportunity mo.

Eto yung isang example.. Using this parameter, pwede mong targetin yung mga tao na nag-like ng mga specific ebook title mo. Ngayon pa lang isipin mo na kung ano ano yung mga ilalagay mo sa precise interest, ex. para sa online MLM business mo (business opportunity, whitening products) basta related dun sa target market mo.

O kaya naman, pwede mong ilagay sa precise interest yung mga tao na nag-like ng isang kilalang figure o leader. Isipin mo kung sino ba yung mga leader(na may fanpage) na posibleng i-like ng mga target prospects mo. kung ang tinatarget mo naman ay nasa Health and Wellness pwede mong targetin ay yung mga tao na naglike sa fanpage ng isang kilalang fitness trainer.

Ito pa magandang idea, pwede mo ring targetin ang mga taong  naglike ng product na kakumpitansya ng products na  inooffer mo. Magandang Target prospect ang mga taong naglike ng page/events na yun dahil nagpakita na sila ng interest sa same type of products na ino-offer mo.

Ang Goal mo ay mga super targeted prospects ang makakita ng offers mo  para maging mataas ang return of investment mo. Malulugi ka kasi kapag general audience or broad market ang tinarget mo, Malaki ang magagastos mo dahil kung sinu sino lang ang mga nagki-click ng ads mo pero hindi naman sila sumasali at bumibili..

Kaya importante na pag isipan mo ng mabuti kung sino ang mga tao na tatargetin mo sa ads na gagawin mo.

Kapag CPC ang pinili mo, tatanungin ka ng FB kung magkano ang gusto mong i-bid para lumabas ang ads mo sa mga tao na gusto mong targetin. Kaya kaylangan mong magbigay ng amount kung hanggang magkano ang gusto mong ibayad kay FB tuwing may magki-click ng ads mo. Kapag mas mataas ang bid price mo, mas priority ng FB na ipakita and ads mo kumpara sa mga kakumpitensya mo na tumatarget din ng mga target prospects mo.


Bibigyan ka rin ng suggestion ng FB kung magkano yung best price para ma-reach mo yung mga target prospects mo. Suggestion for click Bids or Cost per click (CPC) can range from P1.00 - P5.00 per Click ( Ang magiging price suggestion ay depende sa laki ng target audience mo at sa dami ng kakumpitensya mo )
Ang isa sa mga goal mo ay tumarget ng very  specific interests na hindi masyadong mataas ang competition para hindi rin maging mataas ang advetising costs mo.

Lastly, lalagay mo kung magkano ang daily budget na gusto mong i-set para sa ads mo. Pwede mong i-set na per day o kaya naman ay specific budget for the campaign. kapag naubos na yung sinet mo na budget, hihinto na yung campaign.


Ang  sabi ng iba Mahal ang FB ads, ganito rin yung akala ko dati, pro nagbago yun simula nung natutunan ko yung mga formula.
May  mga iba pa nga na takot gumastos para sa knilang business. Pero nawala rin yung takot ko simula nung natutunan ko yung mga formula at mga numbers in marketing and promotions.

Para sa'kin, pagdating sa business walang mahal at walang mura. Masasabi mo lang na mahal kung hindi mo pa alam kung paano mo magagawang profitable ang isang investment o isang negosyo.

Here's the Example

Sabihin natin na gumagastos ka ng P3,000 kada araw para sa business expenses mo (Para sa iba mahal at nakakalula na gumagastos ng P3,000 per day pra sa advertising).

Pero paano kung ganito...Everyday ay P3,000 ang expenses mo pero  ang bumabalik naman sayo kada araw ay P15,000 up to P20,000 na income.. masasabi mo prin ba na mahal yun?

Hindi na, kasi PROFITABLE na ang business mo, kumikita ka na eh!

Baka nga doblehin mo pa yung ginagastos mo dahil doble rin ang bababik na income sayo.

Eh pano kung sa sistema at business mo ngayon ay gumagastos ka lang ng P200 kada araw (Pamasahe at pangmiryenda lang kunwari)?

Sa  una parang nakakatipid di ba?

Pero ang importanteng tanong ay gaano kalaki ang bumabalik sayo?


For example

Kung gumagastos ka ng P200 kada araw tapos kumikita ka ng P6,000 per month sa business mo ibig sabihin ay tabla lang. Bumalik sayo lahat ng expenses mo pero wlang profits. actually lugi ka pa dahil sa oras at pagod mo..Kung kumita ka naman ng atleast P12,000 a month sa business mo, ibig sabihin P6,000 ang profit mo at dumoble ang ininvest mo. Its a good start.

Pero kung ikaw ang papipiliin anung sistema ang gusto mo para sa negosyo mo?

Option 1:

Expenses per month = P6,000
Income per month = P12,000
Net Profit per month = P6,000

Option 2:

Expenses per month = P90,000
Income per month = P450,000
Net Profit per month = P360,000

Kung ako ang papipiliin option 2 pipiliin ko. Here's why

Kahit na gumagastos ako ng P3,000 per day alam ko na may papasok na P15,000-P20,000 na income sa business ko araw-araw. So in reality, wala akong nagiging gastos. You see my point?

Here's what i really mean, sa business ang goal mo dapat ay gawing profitable ang business mo, at hindi makatipid. Pagtitipid is actually a mindest of lack. Then your next goal is a scale up your business to earn as much as you can and as fast as you can.

Here's how you will be able to do this:

Sabihin natin na nag-advertise ka ng FB at naglaan ka ng budget na P3,000 per day, Sa budget na to ang bid price na nakuha mo ay P1.50 kada click (magbabayad ka sa FB ng P1.50 tuwing my magki-click ng ads mo). So P3,000 na budget, ang katumbas n'yan ay 1500 clicks or visitors para sa website mo.

Sabihin natin na dun sa 1500 visitors mo ay 1%  lang sa knila ang bumili or sumali sa opportunity mo. Yes 1% lang and honestly, napaka daling ma-achieve ng percentage na ito. So 1500 x 1% = 15 sales/new recruits for your business.

Sabihin natin na kada new recruits/sale ay may commision ka na P1,610. 15 x1610 = P24,150 gross income para sayo.

P3,000 na ininvest mo P24,150 ang bumalik sayo. That is 650% Return on your investment. (at hindi pa natin kinikwenta yung mga pairing bonuses mo dyan kung binary ang compensation plan ng company mo)

Ito yung formula at numbers na ginagamit ko para sa mga campaigns at business. At ito yung nagpabago ng belief at understanding ko about PAID Marketing. at sa totoo lang, higit na mas mataas pa dyn ang makukuha kong percentages. yung binigay ko na example dito ay very conservative lang.

Ok sige bigyan kita ng higit na mas mababang example. Sabihin natin na P100 per day lang budget na nilaan mo para sa advertising budget mo. P200 is equals to 100clicks / visitors per day.

100 Visitors kada araw is equals to 3000 visitors in 1 month. ang total na naging expenses mo nyan sa isang buwan ay P6,000.

Again sabihin natin na dun sa 3000 visitors mo ay 1%  lang sa knila ang bumili or sumali sa opportunity mo. Again, napaka daling ma-achieve ng percentage na ito. So 3000 x 1% = 30 new recruits/sales para sa business mo sa loob ng isang buwan.

30 x P1,000 = P30,000 gross income. P6,000 na inivest mo P24,000 ang tinubo ng puhunan mo.

Syempre Hindi ko sinasabi na ganito ang eksaktong mangyayari sa'yo....

I hope may nakuha kang value at nakita mo yung bigger picture ng FB FREE and PAID Marketing Strategy mula sa Blog na'to.

Kung naintindihan mo ang lahat ng ito pwede mo nang i applay to para magkaroon ka na ng magandang resulta...

PS. Kung sa tingin mo nakatulong ang Blog na to sayu just comment below at pwede mo rin itong ishare sa group or team mo.

Kung naghahanap ka naman ng Business Opportunity na kahit busy ka, may ginagawa kang existing Online Business ay pwede kang kumita at magkaroon ng Additional Income, You can try our Affiliate Program using Automated System na pwede kang kumita ng Php.1,000.00, Php. 2,000.00, and even Php. 3,000.00 daily online.

How it Works?


YOUR BUSINESS PARTNER ONLINE,

Antonio Mostales Nabuya Jr
Online Entrepreneur/Multi Level Marketer